Day 2 in SG.
Ang plano: Pumunta sa Queenstown para kumain sa IKEA at mag-shopping ng sapatos.
From Tampines mga 7 stations ang nilagpasan namin para makarating sa Queenstown. Masaya pala ang ganun, kahit sa pagmamasid lang mula sa bintana ng train, alam mo na napuntahan mo pa rin ang iba't-ibang lugar ng SG.
Parang isang maliit na mall ang IKEA. Wala kang ibang makikita kung hindi mga gamit pambahay. Naka-set up na parang tunay na kitchen, bedroom, office cubicle at nursery. Lahat ng nakalagay dun ay iyong mga binebenta ng mga gamit. Option mo kung bibilhin mo siya ng naka-package o paisa-isa lang. Para siyang solution center ng mga gamit pambahay.
Masarap ang kanilang chicken wings, french fries, cheesecake, shrimp salad at unlimited drinks of your choice. As usual, nagpakabusog na naman ako. Yun ang isa sa mga nagustuhan ko sa SG, lahat ng pagkain pwede ko kainin. Ang worry ko kasi before, baka puro gulay or spicy foods ang andun. I was even expecting na pagdating ko ng Manila ay pumayat ako ng kaunti kasi nga hndi ko magugustuhan ang mga pagkain dun.
Pero hndi yan ang kwento ko.
Gusto ko lang i-share ang napakasayang reunion namin ni Maricar. She's a good friend and classmate nung highschool. Naalala ko pa na dati pumupunta ako sa bahay nila para gumawa ng project. Siya rin yung madalas ko kakwentuhan tungkol sa aking "buhay pag-ibig" noon.
Hindi ko alam na nasa Singapore na pala cia. Sabi ko nga nung ngkita kmi, "Kaya pala missing in action ka ng matagal na. Wala akong balita sau."
To cut the story short, nagkagulatan kami ng magkita sa restroom ng IKEA. Tiyempo na kelangan ko na tlgang magbanyo at siya naman palabas na. Pagbukas ko ng pinto, laking gulat na lang namin na nagkakitaan kami..
"Sheena?"
medyo hindi siya agad nagsink-in sken pero after a few seconds..
"Omygad! Maricar! Omygad! Omygad!" sabay isang mahigpit na yakap.
"Sabi ko na nga ba ikaw yan Sheena! Nagulat ako!"
"Ako rin. Shux, ang saya naiiyak ako may nakita akong kakilala ko dito (sabay tawa ng malakas)"
"So san ka na nagwowork ngaun?"
"Sa Emperador Distillers, andito lang ako para magbakasyon kasama ng auntie at pinsan ko."
"Tlaga? E di manonood kayo ng Chinggay Parade?"
"Hindi ko pa alam kasi hanggang Sunday lang ako dito. Ikaw musta na?"
"Mag-one year na ako dito. Sa bank ako nagttrabho. PR na yung status ko. Grabe, ang tagal na natin hindi nagkita. Last time pa eh yung dinalaw kita sa hospital. Ang tagal na!"
"Kaya pala wla akong balita sa'yo andito ka na pala."
"Oo andito na ako. Si Daniel alam mo ba may anak na?"
"Talaga? Marami na nga sa atin may family na. Ako medyo matagal pa siguro. Ipon muna kasi mahirap ang buhay ngaun."
"Oo nga eh pero ako baka magpakasal na rin this year."
"Wow! Tlaga? Nasaan ba bf mo?"
"Nasa Pilipinas siya ngaun."
"Nice naman! Don't forget to invite me ha!"
Maikli lang ang naging kwentuhan namin pero isa yun sa mga pinakamasayang memories ko ng pagkakaibigan namin. It's a small world talaga.
Sa dami ng pinoy sa SG, sinong mag-aakala na muling magkakatagpo ang dalawang magkaibigan.

Gudluck, M.O! Always stay happy! (",)